Wikang Filipino, binigyang pugay ng Medical Colleges of Northern Philippines at International School of Asia and the Pacific (MCNP-ISAP) sa ika-27 ng Agosto na may temang “Wikang Katutubo, Tungo sa Isang Bansang Pagbabago.”
Talento, gilas at talino – ito ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa loob ng isang araw. Ang kanilang paaralan ay nagsilbing bulwagan ng mga patimpalak na nagbibigay pugay sa Wikang pambansa. Kasabay ng mainit na panahon ay ang naglalagablab na kompetisyon na dinaluhan ng iba’t ibang departamentong nahahati sa magkakaibang sangay, ang Dilaw, Berde, Rosas, Asul, Puti at Pula.
Naitalang ang Dilaw na kuponan na binubuo ng mga mag-aaral na nasa sekundarya ang nagwagi sa patimpalak na ‘Pinoy Henyo’; gayundin ang ‘Tagisan ng Talino’ , ‘Vocal Duet’ , at ‘Malikhaing Sayaw’ na naipanalo ng Puting kuponan. Ang unang titulo sa ‘Tongue Twister’ ay inuwi ng Berdeng kuponan, na kinabibilangan naman ng mga kolehiyo; at ang ‘Book Cover Design’ na pinagwagian ng Asul na kuponan.